"Wika, ating pagyamanin at mahalin!"
Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinatatayuan. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa.
Ang paglinang ng wika ay siyang nagbibigay buhay sa ating sibilisasyon. Sa pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng karamihang mamamayan ang kanilang kaisipan sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.
Ngunit dala ng globalisasyon, napakarami ring mamamayan ang nakakalimot sa kahalagahan ng wika. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang Filipino sa puso't diwa ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."
At ating sariwain ang kataga ni Rizal na Sa Aking mga Kababata:
"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala."
Ang Filipino ay higit pa nating palawakin at pausbungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy nating maging kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging sangkap sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino. Isulong ang kampanya sa paggamit ng wikang Filipino.
Ano ang kaya mong gawin? Simulan ngayon!
................................................................................................................
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook
kayang-kaya!
TumugonBurahinwew! tama! sang-yon po ako. :)kailangang hikayatin natin ang sariling atin.
TumugonBurahinTumpak....kailangan nating paigtingin ang bigkis ng ating lahi gamit ang wikang pambansa o Filipino.
TumugonBurahinmahusay!!! dapat talaga natin palawakin ang wikang filipino da hil marami na ang nahuhumaling sa ibang wika lalo na ang mga kabataan..
TumugonBurahinlalong-lalo na ang wikang Ingles na simbolo ng globalisasyon. ngunit gaya nga ng sabi, nananaig pa rin ang wikang Filipino...
TumugonBurahinTAMA!! kailangan na nating kumilos upang maipagpatuloy pa ang kampanya tungo sa mas lalo pang pag-usbong ng sarili nating wika.. MAHUSAY !
TumugonBurahinMARAMING SALAMAT..... SANAY UMUSBONG ANG WIKANG FILIPINO! MABUHAY!
TumugonBurahinKailangan nating palaganapin ang sariling atin!!Mabuhay ang mga PILIPINO..^_^
TumugonBurahinTama ka nga, ginoo ! Kailangan natin mahalin ang sariling atin. Mahusay ang ginawa mo ! Good luck sa iyo :)
TumugonBurahinMahalin natin and ating sariling wika at laging gamitin 'to, hindi ang wikang BANYAGa!
TumugonBurahin@cloie....... kailangan nating matutunan ang wikang ingles, sapagkat ito ang lenggwahe ng globalisasyon. Samakatuwid, kung ang wikang Ingles ay pag-aaralan, Wikang Filipino ay huwag kaligtaan!.....
TumugonBurahinkamangha-mangha...! isang genetically modified post.. ;d .hehehe..
TumugonBurahinDistinggido na ang iyong blog kuya ! Simula pa lamang sa iyong survey at paggamit ng wikang sarili bilang pangkalahatang lenggwahe .Kahanga-hanga naman ang iyong intensyon sa pagpasulong ng wikang Filipino. Magaling !
TumugonBurahin"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
TumugonBurahinMahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala."
tama talaga!!!
nakaka impress!!
iyan ang tunay na diwa ng pagpapahalaga sa wikang pambansa....magaling
TumugonBurahinHnd pa natin masasabi na nanaig na nga ang wikang Filipino sa puso't diwa ng bawat mamamayang Pilipino, sapagkat maraming mga Pilipino ngayon ang ikinakahiya ang kanilang wika at mas pinapahalagahan ang wikang banyaga. Ngunit kung ipapatuloy natin ang paghikayat sa mga Pilipinong gamitin ang ating wika, siguradong-sigurado ako, mananaig ito .. ^_^
TumugonBurahintunpak.....magaling trent, salamat sa iyong sinabi. subalit para sa akin,nananaig pa rin ang Filipino dahil mayroon paring mga taong lubos na gumagamit ng wikang filipino at ipinagmamalaki nila ito anu man ang mangyari...!
TumugonBurahinGaling naman ! nawa ay ipapatuloy mo ang iyong magandang nasimulan at maging isang magandang modelo ka sa mga kabataan sa pagsusulat . :)
TumugonBurahin@ alessandra...salamat sa iyong magandang komlemento...
TumugonBurahinmagaling!!! napakalalim ng mga salitang inyong ginagamit pero naiintindihan.
TumugonBurahinsi vann ito
KAILANGAN TANGKILIKIN NATIN ANG SARILI NATING WIKA AT HUWAG NATING IKAHIYA NA TAYO AY PILIPINO :)
TumugonBurahinAt siyempre, hindi lang tuwing buwan ng wika dapat may ganito.. :)
TumugonBurahinmahusay ang iyong ginawa!!ipinagmamalaki kita sa patuloy na pagtangkilik ng wikang Filipino..
TumugonBurahingagawin ko ang aking makakaya upang mabigyang halaga ang wikang Filipino!
TumugonBurahinmagaling! ang kataga ni Rizal na iyong naisulat ay isang magandang pagpapaalala na dapat nating mahalin ang ating wika tulad ng pagmamahal ng ating mga bayani sa ating bansa.
TumugonBurahinkailangan nating pagyamanin pa ang ating karunungan sa ating wika.. kailangang gamitin natn ito. pag yamanin ang sariling atin.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinkuya sana ikaw ang manalo kasi tama yung salitang iginamit mo
TumugonBurahin"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala."
sapagkat kung hindi natin mahalin ang ating sariling wika baka mawala na ito sa kinabukasan
Tunay nga na ang wika ay nagbibigay sa atin nang sarili nating pagkakakilanlan. Masasabi rin natin na ito ay isa sa mga dahilan sa pagunlad at pagusbong ng kultura ng isang bansa. Kaya naman ay gayun na lamang ang aking pagkahinayang dahil sa patuloy na pagsakop sa atin ng kulturang kanluranin. Sa patuloy nating pagyakap sa kanilang kultura ay unti-unti nating nalilimutan ang atin. Kaya para sa akin, makatutulong ang simpleng paggamit ng wikang Filipino sa pangaraw-araw na gawain upang muli itong makabawi sa laban ng globalisasyon. - Fil40 Vargas, John Isaac F.
TumugonBurahin