Biyernes, Agosto 5, 2011

Tema: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika



"Wika, ating pagyamanin at mahalin!"

Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinatatayuan. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa.




Ang paglinang ng wika ay siyang nagbibigay buhay sa ating sibilisasyon. Sa pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng karamihang mamamayan ang kanilang kaisipan sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.

Ngunit dala ng globalisasyon, napakarami ring mamamayan ang nakakalimot sa kahalagahan ng wika. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang Filipino sa puso't diwa  ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."

At ating sariwain ang kataga ni Rizal na Sa Aking mga Kababata:

"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala."

Ang Filipino ay higit pa nating palawakin at pausbungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy nating maging kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging sangkap sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino. Isulong ang kampanya sa paggamit ng wikang Filipino.

Ano ang kaya mong gawin? Simulan ngayon!

................................................................................................................

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook