Martes, Agosto 30, 2011

Tema:Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan


Tatsulok


Sa Luzon,Visayas at sa Mindanao saan mang sulok ng mundo lahat ay may kani-kaniyang dayalekto, subalit pinagbigkis ng wikang bayani, Wikang Filipino.



      Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang komunikasyon, talastasan pag-aaral at iba pa ng etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang at ebulusyon na siyang nagagamit natin sa mabilis na pagkakatuto sa pang-araw-araw.

            Sa paaralan, mga mag-aaral, guro at utilities ay sanay sa paggamit sa wikang Filipino na siyang nag-uugnay at nagbibigay daan upang tayo’y magkaintindihan na siyang maituturing na kabayanihan.

            Ang pang tangkilik at paggamit ng sariling wika ay nagpapakita ng diwang nasyonalismo o pagmamahal sa sariling atin.

            Lubos itong nakakatulong sa unti-unting pag-unlad at pagkamit ng pantay na katarungan ng bawat mamamayan ng ating bansa.

            At ating sariwain "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."



Makakaya natin ito! Ako, Ikaw, Tayong Lahat ang Babago…


................................................................................................................

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook

Linggo, Agosto 28, 2011

Tema: Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas

"Nais Maabot"


          Ang pagkakaroon ng sariling wika ay simbulo ng pagkakaisa at pagkakabuklobuklod upang makamit ang iisang hangarin nais maabot. 


          Tuwid na landas para sa bawat mamamayan. Ngunit tila nalilimot at lumiliko tayo sa baluktot na daan dulot ng kawalan ng diwa ng paggamit ng wika. Sa lahat ng aspeto ng buhay,  sa pamamahala, pananalita, pakikipag-ugnayan at iba pa.
           
           Sa ating pamamahala sa ngayon, mayroong programang inilulunsad na sadyang hindi naiintindihan ng madla dulot ng kakulangan ng pag-unawa, pasasapuso't diwa ng wikang Filipino na siyang malimit gamitin dala ng globalisasyon na siyang gumagamit ng wikang Ingles.

        Subalit sa katunayan may magagawa pa tayo! Simulan natin sa ating mga sarili.


...............................................................................................................


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and he Teacher's Notebook

Linggo, Agosto 21, 2011

Tema: Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan

"Tangkilikin ang Sariling Atin"

Bawat isa sa ati’y may kani-kaniyang layuning nais isulong gaya ng pagpapalaganap sa Filipino bilang wikang panturo, bilang opisyal na wikang pantalastasan at midyum sa agham,kalakalan at inustriya at intrumento sa mga patakakarang pangkaunlaran at pangkatarungan.

Ngunit paano natin ito makakamtan?

Kailanma’y hindi naging neutral o inosenteng larangan ang wika. Ang komunikasyon, ayon sa mga dalubhasa ay isang larangan ng dominasyon. Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan, at instrumento naman ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng kapangyarihan.

Sa modernisadong panahon ngayon, halos lahat ng tuntutunin ay nakasulat sa wikang Ingles, gaya ng ating sariling saligang batas na siyang sinusunod sa buong kapuluan.

At sa bawat taong lumilipas dumarami ang bilang ng mga taong walang trabaho o yung tinatawag na "unemployed" na siyang napipilitang kumapit sa patalim upang may ipantustos sa pamilya. Hindi rin lahat ng bata ay nakakatamasa ng maginhawang pamumuhay at tamang edukasyon at isa na ito sa mga suliranin na siyang nakakaapekto sa ating pag unlad.


            Isang napakalaking epekto ito sa atin kung patuloy nating gagamitiin ang wikang Filipino at tiyak na uunlad ang bayan nating silnilangan. Simulan ngayon!

..................................................................................................................................

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook

Linggo, Agosto 14, 2011

Tema: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan

“Wika- Disiplina’t Kaunlaran”

Nananalantay sa atin ang pagkakaroon ng dugong maka-Pilipino sa lahat ng aspeto sa ating pamumuhay, sa pag-iisip at sa pagkilos lalung lalo na ang pananalita.

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis patungo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan. Ang Filipino, bilang wikang kinalakihan nating gamitin ay isa sa mga kontribusyon nt ating katutubong wika na marapat mabigyang pansin at malinang upang magtagumpay na maisakatuparan ang pagpapayaman n gating kawikaa at magbunga ng kaunlaran sa ating bansa.

Bagamat sinasabing, hindi kailanman mawawala ang paggamit sa wikang banyaga ( Mandarin, Korean at Ingles).

Sa panahon ngayon, dala ng patloy na pag-usbong ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi gayundin sa samut-saring lahi. Saamakatuwid, ang impluwensya ng iba’t-ibang wika sa mundo’y kailanma’y hindi maikakaila.

Ang paggamit ng wika ay hindi dapat natin limitahan, datapwat kailangan lang natin ng disiplina ng bawat isa. Ang pagkakaroon at pagiging disiplinadong mamamayan aay nagbubunga ng pagkakaisa tungo sa inaasam na kaunlaran.


Batid natin ang labis na pagmamahal sa wika’y iilan lamang ang nakakagawa. Ang masaklap pa’y habang tumatagal, ay tuluyan nang mawala angg diwa ng wika. Sang malaking hamon sa ating mga kabataan ito, may magagawa pa tayo.
...............................................................................................................


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and he Teacher's Notebook

Biyernes, Agosto 5, 2011

Tema: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika



"Wika, ating pagyamanin at mahalin!"

Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinatatayuan. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa.




Ang paglinang ng wika ay siyang nagbibigay buhay sa ating sibilisasyon. Sa pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng karamihang mamamayan ang kanilang kaisipan sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.

Ngunit dala ng globalisasyon, napakarami ring mamamayan ang nakakalimot sa kahalagahan ng wika. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang Filipino sa puso't diwa  ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."

At ating sariwain ang kataga ni Rizal na Sa Aking mga Kababata:

"Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala."

Ang Filipino ay higit pa nating palawakin at pausbungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy nating maging kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging sangkap sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino. Isulong ang kampanya sa paggamit ng wikang Filipino.

Ano ang kaya mong gawin? Simulan ngayon!

................................................................................................................

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook