Linggo, Agosto 14, 2011

Tema: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan

“Wika- Disiplina’t Kaunlaran”

Nananalantay sa atin ang pagkakaroon ng dugong maka-Pilipino sa lahat ng aspeto sa ating pamumuhay, sa pag-iisip at sa pagkilos lalung lalo na ang pananalita.

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis patungo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan. Ang Filipino, bilang wikang kinalakihan nating gamitin ay isa sa mga kontribusyon nt ating katutubong wika na marapat mabigyang pansin at malinang upang magtagumpay na maisakatuparan ang pagpapayaman n gating kawikaa at magbunga ng kaunlaran sa ating bansa.

Bagamat sinasabing, hindi kailanman mawawala ang paggamit sa wikang banyaga ( Mandarin, Korean at Ingles).

Sa panahon ngayon, dala ng patloy na pag-usbong ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi gayundin sa samut-saring lahi. Saamakatuwid, ang impluwensya ng iba’t-ibang wika sa mundo’y kailanma’y hindi maikakaila.

Ang paggamit ng wika ay hindi dapat natin limitahan, datapwat kailangan lang natin ng disiplina ng bawat isa. Ang pagkakaroon at pagiging disiplinadong mamamayan aay nagbubunga ng pagkakaisa tungo sa inaasam na kaunlaran.


Batid natin ang labis na pagmamahal sa wika’y iilan lamang ang nakakagawa. Ang masaklap pa’y habang tumatagal, ay tuluyan nang mawala angg diwa ng wika. Sang malaking hamon sa ating mga kabataan ito, may magagawa pa tayo.
...............................................................................................................


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and he Teacher's Notebook

3 komento:

  1. ito ay isang hamon na susubukin ang tibay ng bigkis ng ating pagka Pilipino. Mabuhay ang wikang Filipino!

    TumugonBurahin
  2. isang napakamakahulugang salaysay ang mga iung mga iniakda. mrami ng mga kabataang nahuhumaling sa mga salita ng banyaga. sanay hnd nila makalimutan na mas kaaya aya prng banggitin ang wika natn, na kng saan tau ay nag kakaintndhan..

    TumugonBurahin
  3. Marami na ngang banyagang wika sa ating bansa na ating sinasalita at pinagaaralan pa ang iba upang makasabay sa ibang bansa. Sa aking palagay, tama lang iyon. Katulad na lang ng sinabi ng may akda dito sa artikulong ito, nakakatulong ito sa pag-intindi at pakikipag-unawaan sa ibang bansa. Madali nating maiintindihan ang nais nilang sabihin at makakabawas ito sa pagkakaroon ng diskurso o hindi pagkakaunawaan. Hindi natin maiiwasan ang pagdaragdag ng wika dito sa Pilipinas dahil may mga banyagang naninirahan na dito at naituturo sa atin ang kanilang wika. Sa kabila nito, sumasang-ayon pa rin ako na dapat ang ating wikang pambansa ang pangunahing wikang sinasalita ng mga Pilipino, lalo na ang mga opisyal ng gobyerno. Ang pagkakaroon ng isang tiyak na wika na alam lahat ng mamamayan ay makakatulong sa pagdidisiplina ng ng tao dahil mas nauunawaan ng tao ang isang batas kapag isinalin ito sa wikang kinagisnan niya. Kaya naman hindi dapat mahaluan ng ibang wika ang wikang pambansa upang mapanatili ang sariling identidad niya. Ito ang pangunahing hamon sa wikang Filipino kaya naman dapat natin ipakita ang ating pagkaka-isa sa aspetong ito.

    -Fil40; Mallo, Andrea D.

    TumugonBurahin